This is my on-line status every friday, pansinin mo..bakit?! kasi I'm looking forward to this day every week. lalo na nung mapunta ako dito sa sg.
Proven: Nag celebrate kame ng birthday, ginagawa to sa office tuwing katapusan ng buwan at lahat ng tao masaya. tanong ni sumida: "why is everybody this happy?" sagot ko: "...it's friday!" hahahaha :-) totoo to. nde kasi biro mag trabaho dito, parang lahat ng tao nagmamadali. pag sineryoso mo lahat ( na minsan ay naseseryoso mo nga )..ikaw ang maloloka. Malulungkot at sabay tanong sa sarili..bakit nga ba ako napadpad dito sa lugar na to. At pagtapos nun, maiisip mo ang sweldo mo sa katapusan, at may sagot ka na sa mga tanong mo. Hindi mo kikitain sa pilipinas ang kinikita mo dito kaya nagtitiis ka, at ang pagtitiis na yon ay para sa hinaharap. Un na un..
hayyy...
Pero..dapat titingnan mo lahat sa ibat-ibang anggulo. at depende din ito kung pano ang "approach" mo sa sentimyento mo dito pag ikaw ang nawe weng wang, pwede ung mag shopping ka araw-araw ( mura dito mga branded ), kaso baka hindi ka na abutin ng katapusan at hinde ka na kumain, mahirap mawalan ng pera dito kasi hinde mo alam kung kanino at paano ka uutang. kaya, tipid tipid alng, antabay daw. At sa pagod mo sa trabaho, mawawalan ka na rin ng gana na mag-umikot sa mall. Pwede ring gumimik, mag grocer, magluto, maglaba....basta, sa lahat naman ng bagay, makakayanan ito depende sa ugali mo, kung pano mo ito haharapin. Katulad ng mga bagay na ikinatutuwa ko ngayong araw na ito.
....ang blessing na andito ako, ako?! OO, ako! akalain mo. Natanggap ako dito na may magandang trabaho. kaya Think positive! o diba, pampalakas loob talaga hahahaha :-)
....kumain kame sa lau passat at may "Jolly V" dun, ang chicken joy at palabok or spaghetti, 7sgd! ay sus. pero natuwa naman ako kasi halos tatlong araw ako hinde nag lunch at puro tinapay lang dahil sa mga con-call na iyan.
....ang mga kasamahan mo sa trabaho. Masaya at nakakaaliw sila. lalo na si Jessica at si Ian. Singaporean sila, pag kasama mo sila tatawa ka talaga. Sali ko na rin si Angie, malaysian siya ( umuuwi siya sa malaysia araw-araw ha ), na wala ka ng maririnig sa taong ito kung nde reklamo araw araw. at ayus din na may mga pinoy dito kamuka nila tina, carme, eileen, simon at don. Ay! mabait pala pati si Sabrina, ung HR namin na laging naka mini skirt at spaghetti sando, sabay naka heels ( matandang dalaga po sya! ). Mabait din si Venky, nung una kala ko suplado to, head siya ng infastructure team namin. Nilapitan nya ako knina at kinamusta ako, un lang ayus na. Nakakagaan ng pakiramdam.supportive naman lahat, pero nde ko sinali yung boss ko. kaya pag pinagsama sama mo lahat, ayus naman!
....at syempre may nabasa na naman akong quote:
Fact: When a guy wants you to meet his parents, you're into a lifetime relationship. Fact: When a couple fights too much but not breaking up, they are a sex couple. Fact: When a girlfriend says nothing is wrong, there is something wrong and the boyfriend needs to figure out or they will be in one hell of a fight.
Fact: Love will last for a very long time if you would exert effort in making it stay.
totoo ba ito para sayo?!...kung hinde ako naniniwala dito, hindi ko to ipo post sa page ng blog ko. Marami pa rin ako naiisip, kanina lang ka text ko si Randy. 1 month namin bukas at hindi kame magkasama, pati sa mga espesyal na okasyon baka hinde rin. pero sabi niya...kakayanin daw. yung hindi ko daw kaya ibigay, sya magpupuno. hindi ko maiwasan ikumpara sila ni duckie, alam ko hindi tama pero pag nakakabasa ako ng ganitong mga quotes natatawa ako, lalo na pag naiisip mo na pag sinuma pala lahat ng ginawa mo, nagpaka tanga ka lang. Mahirap man, tama lang na alisin na siya sa buhay dahil sa ligaya ko lang yata sya nakasama...sa hirap, wala na. Minsan naiisip ko kung bakit ba siya dumating sa buhay ko, parang gets ko na. sya nagbigay sa akin ng determinasyon na magsikap...na mag apply sa ayala systems dati, at magpunta din dito sa singapore. Kaya nagpapasalamat din ako. tama, may purpose ang tao pag dumating sa buhay mo. at iyon nalang ang dapat ipag pasalamat.
Un lang...5:00pm na. ialng oras nalang uwian na naman. Salamat sa araw na to. Nagdadasal ako tuwing bago pumasok at pag tapos na trabaho dito, marami ako pinagdadasal pati ung tao na halos sinusumpa ko. Sa wakas,Nakaraos sa sang damakmak na email, con-call,...yung iba, itinira ko na para maraming gagawin sa lunes.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.jpg)

1 comment:
i love you!Len
Post a Comment